Tumulong ako sa PCY at naiwan ko si Micah nahiya kasi ako sakanila. Sa contest, dun ko nakita yung ibat-ibang klase ng lalake sa BRGY IBA. Pinakanapansin ko eh yung mga tatay na. Merong sumali para lang sa kasayahan, meron sumali na para sa prize at meron din namang mga napilitan lang.
Sa ibang mga matatanda naalala ko si tatay. Unang fiesta na wana sya. Di ako dapat manibago sa moment na yun kasi di naman nanunuod si tatay ng mga events pag fiesta. Pero sa mga taty na nandun naalala ko sya.
Merong magkumpare sumali sa hampas palayok. Sabi nung isa sa pare nya "Pare isang araw na boundary na naten to galingan naten "There's something inside of me...I dont know what was that feeling... but i guess i was touched. naisip ko yung itsura nila habng binabalita sa pamilya nila na nanalo sila. but unfortunately hindi sila nanalo... Thanks to the millionare Hermana,so generous giving php 100.00 consolation prize.
Sa bawat positibong pananaw meron ding negatibo. Sa pamimigay ng consolation prize may ibang kumuha ng prize na hindi naman pala sumali. Buti na lang sobra yung prizes.
Nakakainis lang harapin yung fact na ang tao nasisira pag pera na ang pinag-uusapan. Anyway, kahit naman ganun fulfilling pa rin kasi makita mo lang na hindi nababagot bagkus sobrang saya pa ng mga tao sa BRGY IBA eh iba na yung feeling na maidudulot sayo. Bukas gabi naman ng kabataan anu kayang mangyayari???
-iguez-
No comments:
Post a Comment